
Pagpapabuti
sa mga Buhay sa Libreng
Ligal na Tulong
Dedikado sa pagbibigay ng mabisa
ligal na tulong sa mga taga-San Diego
sa higit 100 taon
Nakapangako ang Legal Aid Society of San Diego sa pagtulong sa mababang kita at madaling maapektuhang mga indibidwal at pamilya. Naghahandog kami ng ligal na representasyon, impormasyon, at payo sa iba’t ibang paksa, at tutulungan kang mahanap ang mga mapagkukunan na kailangan mo. (maaaring dalhin ka ng mga link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Nagbibigay Kami ng Libreng Ligal na Tulong sa
- Mga Apelang Sibil (selfhelp workshop)
- Mga Pag-iingat (Conservatorships)
- Proteksyon ng Consumer at Bankruptcy
- Mga Karapatan sa Edukasyon
- Depensa sa Pagpapalayas
- Batas sa Pamilya
- Nasasaklawan ng Kalusugan (tulad ng MediCal) at Pag-access sa Pangangalaga (tulad ng mga gamot at mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip)
- Diskriminasyon sa Pabahay
- Imigrasyon
- Mga isyu ng Nagpapa-upa at Umuupa, Depensa sa Pagpapalayas, Foreclosure, at Pampublikong Pabahay
- Mga Pagbabago ng Pangalan o Marker ng Kasarian
- Mga hinaing sa kalusugan hinggil sa pag-uugali at mga apela ng outpatient
- Tulong Pampubliko (tulad ng Tulong sa Pagkain at Tulong sa Pera)
- Mga kautusan ng Pagbabawal
- Mga benepisyo ng SSI
- Mga karapatan at Edukasyon ng Nagbabayad ng Buwis
- Mga benepisyo ng Insurance ng Walang Trabaho
Depensa sa Pagpapalayas
Marami kaming paraan para tumulong kung pinapalayas ka. Maaari namin sabihin sa iyo kung ano ang iyong mga karapatan at kung ano ang magagawa mo para protektahan ang iyong sarili at iyong pamilya. (maaaring dalhin ka ng mga link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Alamin ang Tungkol sa Aming mga Kaganapan at Iba Pang Mapagkukunan
Libreng mga Ligal na Klinika
Samantalahin ang aming libreng mga klinika para makakuha nang madaliang tulong sa iyong mga ligal na isyu, tulad ng pagpapalayas, mga kautusan ng pagbabawal, at mga pag-iingat (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles). I-explore ang mga Paparating na KlinikaLibreng mga Webinar
Dumalo sa libreng mga online na webinar, kung saan nagbabahagi ng impormasyon at pagsasanay ang aming sanay na koponan sa isang hanay ng mga paksa (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles).
Tungkol sa amin
Isang Maunawaing Koponan na Nagtataguyod Para sa Iyo
Nagsusumikap kami para pabutihin ang mga buhay ng mga tinutulungan namin sa mapuwersang ligal na adbokasiya. Bilang pinakamalaki, pinaka-nakataguyod na provider ng libreng ligal na tulong sa county ng san diego, nagmamalaki kami na ihandog ang mas kinakailangang suporta para sa mga karapat-dapat na indibidwal at pamilya

2,300libreng klinika ang ginaganap taun-taon
HALOS14,000tao ang nabenepisyuhan sa aming ligal na mga serbisyo noong 2021
15,000oras na inambag ng mga boluntayo ng LASSD nang nakaraang taon
100taon ng pasulong na hustisya

Magdonasyon
Ang iyong donasyon sa LASSD ay may direktang epekto sa mga taga-San Diego at aming gawain sa paglaban sa kahirapan at kawalang-katarungan
Nagawa nang magbigay ng mga serbisyo ang legal aid society of san diego sa higit 10,000 kaso at natulungan ang libu-libong tao sanhi sa aming suporta sa komunidad. Ang mga donasyon na aming natatanggap ay direktang napupunta tungo sa pagbibigay ng mga serbisyo sa madaling maapektuhan na mga residente ng county ng san diego. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa amin hinggil sa pananalapi, natutulungan mo ang isang tao na makakuha ng patas na pag-access sa ligal na mga mapagkukunan na karapat-dapat sa kanila.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Oportunidad ng Boluntaryo
Hindi magiging posible ang aming mga pagsisikap nang walang tulong mula sa mga abogado, estudyante ng batas, at ibang boluntaryo. Pataasin ang iyong pagsasama sa komunidad at siyasatin ang sari-saring bumabagay na boluntaryong mga oportunidad na aming hinahandog. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Oportunidad ng Trabaho
Nakapangako kami sa pagbibigay ng patas na pag-access sa hustisya para sa mga taong nangangailangan sa pamamagitan ng agresibo, may kalidad na ligal na mga serbisyo. Sumali sa aming maalab na koponan sa pagtutulungan para mapabuti ang mga buhay sa ating komunidad. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Paano Humingi ng Ligal naTulong
Alamin ang Higit Pa Tungkol sa mga Solusyon na Maaaring
Makatulong sa Iyo na Mapaglabanan ang Iyong Ligal na Hamon
Sa pamamagitan ng mga dekadang karanasan at malaking network ng mga pinagkukunan, tinutulungan namin ang mga madaling maapektuhang residente ng County ng San Diego na makakuha ng libreng ligal na representasyon, tulong at impormasyon. Makipag-usap sa aming mga kinatawan para malaman ang higit pa tungkol sa kung paano mong mana-navigate ang iyong ligal na problema.