Tungkol sa Legal Aid Society of San Diego
Narito kami para tulungan ka!

Ang Legal Aid Society of San Diego (LASSD) ay isang hindi kumikitang law firm na nagbibigay ng libreng ligal na mga serbisyo sa mas mababang kinikita sa mga residente ng San Diego. Pinopondohan ang kumpanya ng gobyerno (Lungsod, County, Estado at Pederal), pati na rin ang mga pagkakaloob at kawanggawa. Ang mga serbisyo na aming ibinibigay ay pinagpapasyahan ng aming mga Board of Director, kung saan ay binubuo ng lokal na taong karapat-dapat na kliyente at lokal na mga abogado.
Ang aming Consumer Center for Health Education and Advocacy ay isang stand-alone na proyekto na nagpapakadalubhasa sa batas ng kallusugan, pag-access at edukasyon sa pangangalaga sa kalusugan.
Nakapangako kami na pabubutihin ang mga buhay ng aming mga kiyente. Nagpapanatii ng pagkadalubhasa ang aming mga abogado sa pamamagitan ng pagpapaespesyalista sa isa lamang larangan ng kasanayan. Nakapangako sila na manatiling up to date sa lahat ng pinakabagong mga batas at pamamaraan sa mga problema ng aming mga kliyente.
Humaharap ang aming mga abogado sa lahat ng estado at pederal na mga korte sa aming County at marami sa administratibong mga korte ng batas ng gobyerno sa parehong mga antas ng estado at pederal.
Mayroon kaming tatlong lokasyon ng tanggapan para magbigay ng access sa hilagang county, midtown, at timog-silangan ng San Diego. Nagagawa rin ng LASSD na magbigay ng tulong gamit ang video conferencing at iba pang pinagana-sa-teknolohiyang suporta para sa mga hindi makapagbibiyahe.
Pahayag ng Misyon
Ang misyon ng Legal Aid Society of San Diego ay para pabutihin ang mga buhay sa pamamagitan ng pagsulong ng hustisya sa pamamagitan ng mabisa, episyente at mapuwersang ligal na pagtataguyod, pag-abot at edukasyon.
Pahayag ng Bisyon
Ang San Diego County kung saan ang lahat ng tao ay tumatamasa ng pagkamakatarungan at pagkapantaypantay na pinapahintulutan silang mamuhay at magtagumpay dahil sa kanilang mga pagpupursigi.

Sino Kami
Ang Legal Aid Society of San Diego ay isang nagmamalaki, nakapangako at maunawaing grupo ng mga tao na dedikado sa pagbibigay ng patas na pag-access sa hustisya para sa mahirap na mga tao sa pamamagitan ng agresibo, may kalidad na ligal na mga serbisyo. Bilang mga ligal na tagapagtaguyod aming itatama ang mga ligal na problema ng aming mga kliyente, bibigyang kapangyarihan ang aming mga kliyente na ma-access at mabisang makalahok sa loob ng ligal, panggobyerno at mga sistemang panlipunan at himukin ang sariling pagbibigay kapangyarihan sa paglaban sa kahirapan at kawalang-katarungan.
Nakapangako kaming gagamitin ang aming mga pamamaraan sa paraan na iniingatan ang ligal na mga karapatan ng aming mga kliyente at nirerespeto ang kanilang pantaong dignidad.
Gumagawa kami ng personal na pangako sa aming mga sarili, sa bawat isa, sa aming mga kliyente at sa aming komunidad para magtulungan bilang isang nagkakaisang malikhaing yunit para ma-maximize ang ating lakas, ang ating kapangyarihan at ating pagkamabisa.
Nag-uumpisa ang Hustisya Dito
Ang Koponan ng Executive Management ng Legal Aid Society of San Diego
Gregory E. Knoll, CEO/Executive Director/Chief Counsel
Joanne Franciscus, Chief Operating Officer
Daniel Benson, Managing Attorney
Kris Jacobs, Managing Attorney
Sergio Valenzuela, Chief Fiscal Officer
Lorena Slomanson, Director of Development
Pamela Ross, Human Resources Director
Administrative Office
110 S. Euclid Avenue
San Diego, CA 92114
Consumer Center for Health Education and Advocacy (CCHEA)
Noong 1998-99, nagpasya ang County ng San Diego na magtatag ng consumer center ng kalusugan. Napili ng County ang Legal Aid Society na maging site para sa bagong Center na ito. Sa pagpopondo na ito at tumutugmang mga pondo mula sa The California Endowment (TCE), sa Consumer Center for Health Education & Advocacy (CCHEA), isang programa ng Legal Aid Society of San Diego, ay isinilang. Patuloy na sinusuportahan ang Center ng County at TCE at mayroon ding pagkakasosyo sa pagpopondo sa California Department of Managed Care (DMHC), California Department of Healthcare Services (DHCS) at ang bagong Health Benefit Exchange ng California (Covered California). Ang CCHEA ay isang kasosyo ng HealthCare Alliance (HCA), isang koalisyon ng labing-isang mga program ng ligal na tulong ng California na nagbibigay ng mga serbisyo ng pag-access sa healthcare sa mga consumer ng California. Ang CCHEA ay pangbuong esatadong tagapagkoordina para sa lahat ng serbisyo sa consumer.
Ang Aming Misyon:
Turuan, tulungan at bigyan kapangyarihan ang mga taga-San Diego para maging at manatiling malusog.
Taunang Report ng CCHEA 2020/2021
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Legal Aid in the News

The Legal Aid Society of San Diego Mourns the Passing of its Longtime Executive Director, Gregory Evans Knoll

San Diego's proposed renter protections would slightly exceed current statewide law
By Richard Allyn, CBS 8, April 19, 2023

The Risks Of Energy Efficient Loans
By Amita Sharma, KPBS Midday Edition, November 28, 2018

Computer glitches and human error still causing insurance headaches for Californians
By By Bernard J. Wolfson, Kaiser Health News, June 2, 2022