Paano Kami Makatutulong
Ligal na adbokasiya, edukasyon, at mga mapagkukunan para sa madaling maapektuhan at mababang kita na mga residente ng county ng San Diego
Ang Aming mga Serbisyo

- Mga Sibil na Apela
- Klinika ng Pag-iingat
- Proteksyon ng Consumer at Bankruptcy
- Mga Karapatan sa Edukasyon
- Depensa sa Pagpapalayas
- Batas sa Pamilya
- Pangangalaga sa Kalusugan at Nasasaklawan
- Diskriminasyon sa Pabahay
- Imigrasyon
- Mga Isyu ng Nagpapaupa at Umuupa, Pampublikong Pabahay at Foreclosure
- Mga Karapatan ng Pasyente sa Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip at Pang-aabuso sa Sustansya
- Mga Pagbabago ng Pangalan at Marker ng Kasarian
- Mga Pampublikong Benepisyo
- Mga Kautusan ng Pagbabawal
- Mga Benepisyo ng SSI
- SSI para sa Mga Bata
- Mga Karapatan at Edukasyon ng Nagbabayad ng Buwis
- Mga Benepisyo ng Insurance ng Walang Trabaho
- Walk-In na Ligal na mga Klinika
Mga Sibil na Apela (sariling-tulong na workshop)

Ikaw ba ay isang partido sa isang sibil na kaso sa apela sa California Court of Appeal, Fourth District? Naihain mo na ba ang iyong abiso ng apela? Kailangan mo ba ngayon ng tulong sa iyong proseso ng apela (dahil wala kang abogado)? Bibigyan ka ng impormasyon ng Civil Appellate Self-Help Workshop sa mga pamamaraan at mapagkukunan para pangasiwaan ang sarili mong apela.
Tawagan ang 619-471-2781 para magparehistgro para sa workshop (mag-iwan ng mensahe)
Mga Oras ng Operasyon: Ikatlong Martes ng bawat buwan: 3:45 PM hanggang 6:00 PM
Alamin ang Higit Pa
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Klinika ng Pag-iingat

Direktang pumunta sa lokasyon ng aming walk-in na klinika ng Pag-iingat para makakuha ng impormasyon, edukasyon, at tulong sa pagkumpleto ng pagpeles kaugnay sa proseso ng Pag-iingat. Nagbibigay rin kami ng impormasyon sa mga alternatibo sa Pag-iingat. Walang kinakailangang mga appointment at hinahandog ang mga serbisyo sa batayan na first come, first served.
Lokasyon: Central Courthouse - Room 541
1100 Union Street, San Diego, CA 92101
Mga oras: Martes at Huwebes 9:00 AM hanggang 3:00 PM
***Sarado ang mga klinika sa mga pista opisyal ng korte. Tingnan ang mga pista opisyal ng korte dito*** (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Alamin ang Higit Pa
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Proteksyon ng Consumer at Bankruptcy

Tumutulong kami sa mga isyu sa pagkolekta ng utang, repossession, mga kontrata ng sales, mga kontrata ng sasakyan, pagnanakaw ng pagkakakilanlan, mga student loan, medikal na pagkakautang, mga scam, at bankcruptcy. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Karapatan sa Edukasyon

Maaari ka naming tulungang maunawaan at maresolba ang mga problemang kaugnay sa mga karapatan ng iyong anak sa edukasyon tulad ng espesyal na pagtatasa ng estudyante, mga karapatan ng espesyal na edukasyon sa panahon ng distance learning, paghahanda para sa pulong ng IEP ng iyong anak, paanong humiling ng mga rekord ng edukasyon, at mga karapatan ng due process. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Depensa sa Pagpapalayas

Marami kaming paraan para tumulong kung pinapalayas ka. Maaari namin sabihin sa iyo kung ano ang iyong mga karapatan at kung ano ang magagawa mo para protektahan ang iyong sarili at iyong pamilya. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Batas sa Pamilya

Tumutulong kami sa mga bagay ng batas sa pamilya tulad ng kustodiya, karahasan sa tahanan, diborsyo, pang-ama, at suporta sa bata at hinggil sa kasal. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Nasasaklawan ng Kalusugan (tulad ng MediCal) at Pag-access sa Pangangalaga (tulad ng mga gamot at mga serbisyo ng kalusugan hinggil sa pag-iisip)

Matutulungan ka naming maunawaan at maresolba ang mga problema sa mga opsyon ng nasasaklawan ng kalusugan tulad ng Covered California, Medi-Cal, Medicare, Cal MediConnect, County Medical Services, at iba pa. Tumutulong din kami sa mga hindi pagkakaunawaan sa apela at mga pagtanggi sa mga programa ng nasasaklawan ng kalusugan. Maaari rin kaming makatulong sa mga problema na mayroon ka sa mga serbisyo ng hindi residensyal at outpatient na kalusugan hinggil sa pag-uugali at pang-aabuso sa sustansya.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Diskriminasyon sa Pabahay

Maaari kang gumawa ng patas na reklamo sa pabahay sa amin para sa diskriminasyon batay sa isang protektadong klase, kaugnay sa pabahay, na naganap sa loob ng County ng San Diego. Narito kami para pigilan ang diskriminasyon sa pabahay at para makasiguro na mayroong patas na pagkakataon sa pabahay para sa lahat.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Imigrasyon

Tumutulong kami sa mga pangangailangan ng imigrasyon tulad ng imigrasyon batay sa pamilya, naturalisasyon at pagkamamamayan, removal defense (Korte ng Imigrasyon), VAWA, U at T visas, renewal ng green card, at mga waiver. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Isyu ng Nagpapaupa at Umuupa, Pampublikong Pabahay, at Foreclosure

Tumutulong kaming maunawaan mo ang iyong mga krarapatan at responsibilidad bilang isang nangungupahan kabilang ang Pagpapalayas, mga abiso ng nagpapaupa, pampublikong pabahay (tulad ng seksyon 8), at iba pang isyu sa pabahay tulad ng foreclosure, o mga problema sa loan ng bahay. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Karapatan ng Pasyente sa Kalusugan Hinggil sa Pag-iisip at Pang-aabuso sa Sustansya

Matutulungan ka naming maunawaan at maresolba ang mga problema sa mga opsyon ng nasasaklawan ng kalusugan tulad ng Covered California, Medi-Cal, Medicare, Cal MediConnect, County Medical Services, at iba pa. Tumutulong din kami sa mga hindi pagkakaunawaan sa apela at mga pagtanggi sa mga programa ng nasasaklawan ng kalusugan. Maaari rin kaming makatulong sa mga problema na mayroon ka sa mga serbisyo ng hindi residensyal at outpatient na kalusugan hinggil sa pag-uugali at pang-aabuso sa sustansya. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga pagbabago ng pangalan o marker ng kasarian

Direktang pumunta sa aming walk-in na klinika ng Name and Gender Marker Changes para makakuha ng impormasyon, edukasyon, at tulong sa pagkumpleto ng papeles para ligal na mapalitan ang iyong pangalan o mga marker ng kasarian. Walang kinakailangang mga appointment, at hinahandog ang mga serbisyo sa batayan na first come, first served.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa mga pahina na nasa Ingles)
Lokasyon: Hall of Justice, 330 W. Broadway, San Diego, CA 92101
Mga oras: Lunes hanggang Biyernes mula 8:30 AM hanggang 3:30 PM
Alamin ang mga pagsasara sa pista opisyal dito
Mga Pampublikong Benepisyo

Tumutulong kami sa mga problema sa pagkuha o mapanatili ang mga benepisyo, tulad ng General Relief, CalWorks, Welfare to Work, CalFresh, CAPI, KinGap, Foster Care, at Adoptive Assistance. Maaari ka naming payuhan at maaaring maikatawan ka kung humiling ka ng pagdinig. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga kautusan ng pagbabawal

Ang mga kautusan ng pagbabawal ay maaring gamitin kapag nakaranas ka ng pang-aabuso, mga banta ng pang-aabuso, lihim na pagsusubaybay, seksuwal na pagsalakay, o iba pang malalang panggigipit. Direktang pumunta sa aming isa sa mga walk-in na klinika ng kautusan ng pagbabawal para makakuha ng tulong sa karahasan sa tahanan, pang-aabuso sa nakatatanda, mga kautusan sa pagbabawal sa sibil na panggigipit. Tumutulong kami sa mga form ng korte na kinakailangang i-apply para sa kautusan ng pagbabawal, pati na rin impormasyon sa batas, sa proseso ng korte, at mga takdang panahon. Nagbibigay din kami ng edukasyon sa plano ng kaligtasan, mga silungan, at iba pang mapagkukunan. Walang kinakailangang mga appointment, at hinahandog ang mga serbisyo sa batayan na first come, first served.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Alamin ang higit pa tungkols sa mga lokasyon at oras ng klinika
Mga benepisyo ng SSI

Tumutulong kami sa lahat ng aspeto ng mga proseso ng claim ng Social Security Disability (SSDI) at Supplemental Security Income (SSI), kabilang ang mga inisyal na aplikasyon, muling pagsasaalang-alang, pagdinig, patuloy na mga repaso ng kapansanan, at iba pang apela. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Supplemental Security Income (SSI) para sa mga bata

Maaaring magbigay ang LASSD ng ligal na representasyon sa bawat aspeto ng proseso ng Supplemental Security Income (SSI) para sa mga bata na mayroong karapat-dapat na medikal na kundisyon at natutugunan ang mga kinakailangan sa pagkanararapat hinggil sa pananalapi. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga Karapatan at Edukasyon ng Nagbabayad ng Buwis

Tumutulong kami sa mga hindi pagkakaunawaan sa buwis ng pederal at sa ilang mga hindi pagkakaunawaan sa buwis ng estado ng CA kabilang ang mga audit, nawawalang mga pondo o bayad, at mga plano ng pagbabayad ng utang na buwis. (maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Mga benepisyo ng insurance ng walang trabaho

Tumutulong kami sa mga Benepisyo ng Insurance ng Walang Trabaho sa EDD.
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Walk-In na Ligal na mga Klinika

Maaari kang direktang pumunta sa aming walk-in na ligal na klinika para makakuha ng impormasyon, edukasyon, at tulong sa pagkumpleto ng pagpeles kaugnay sa karaniwang mga ligal na isyu. Kadalasan, walang kinakailangang mga appointment, at hinahandog ang mga serbisyo sa batayan na first come, first served. Alamin ang higit pa tungkol sa aming walk-in na ligal na mga klinika.
Alamin ang Higit Pa
(maaaring dalhin ka ng link na ito sa pahina na nasa Ingles)
Impormasyon sa Pagkontak
Southeast San Diego Office
110 S. Euclid Avenue
San Diego, CA 92114
Midtown San Diego Office
1764 San Diego Avenue, Suite 100
San Diego, CA 92110
Tanggapan ng Hilagang County
100 E. San Marcos Blvd, Suite 308
San Marcos, CA 92069
Lunes hanggang Biyernes 9 am – 5 pm