Mga Tagatulong Upang Manatiling May Tirahan
Sariling-Tulong na mga Klinika
Klinika ng Depensa ng Legal Aid Society of San Diego
Ang klinika ay tutulong sa iyo na maghanda ng sagot sa isang demandang Unlawful Detainer (Pagpapaalis), o tutulong sa iyo na humingi ng karagdagang panahon upang makalipat kung ikaw ay may paunawang umalis mula sa Sheriff.
Kailan: Lunes hanggang Biyernes
8:30 AM hanggang 3:30 PM
Saan:
Hall of Justice
330 W. Broadway, 2nd floor, Room 251
San Diego, CA 92101
Para sa karagdagang impormasyon
San Diego Volunteer Lawyer Program
Walk-In na mga Klinika na nagbibigay ng impormasyon sa mga kalahok sa demanda sa mga kasong pagpapaalis sa tirahan (unlawful detainer).
Kailan: Martes, Miyerkoles, Huwebes
8:30 am – 1:30 pm
(Sarado tuwing Lunes at Biyernes)
Saan: Vista Courthouse
Main Building, South Entrance
325 South Melrose Drive
Vista, CA 92081
Ang Remote Eviction Notice Legal Clinic ay nagkakaloob ng payong pambatas sa mga tenant na maliit ang kita sa San Diego na nakatanggap ng isang 30-/60-/90-araw na paunawa ng pagpapaalis mula sa kanilang landlord, pero hindi pa naidedemanda.
Kailan: Mga Huwebes ng umaga
9:30 am
Saan: On-line na pulong
Upang mag-aplay para sa klinikang ito: Tumawag sa (619) 235-5656 x127
O Mag-aplay Online sa:
Mag-aplay para sa Remote Legal Clinic
Para sa karagdagang impormasyon
Ang Community Law Project of California Western Law School
Ang CWCLP ay nagkakaloob ng libreng payong pambatas, tulong sa paglalayag sa masasalimuot na sistemang panlipunan, at mga pagrekomenda sa mga tagatulong sa mga lingguhang klinika sa City Heights, Downtown, North Park at Solana Beach. Para sa ispesipikong impormasyon tungkol sa mga lokasyon at mga oras
Klinika para sa Unlawful Detainer ng California Rural Legal Assistance, Inc.
Ang klinikang ito ay nagkakaloob ng tulong sa depensa.
Kailan: Lunes – Huwebes: 10am-3pm
Saan: California Rural Legal Assistance, Inc.
640 Civic Center Drive, Suite 108 Vista, CA 92084
Para sa karagdagang impormasyon tumawag sa (760) 966-0511
Proyektong Katatagan sa Tirahan ng Disability Rights California
Nakabase-sa-telepono na sariling-tulong na klinika na nagkakaloob ng payong pambatas para sa mga may kapansanan na naninirahan sa California tungkol sa kanilang mga problema sa tirahan.
Kailan:
Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes (Sarado tuwing Miyerkoles)
9:00 AM - 3:00 PM
Saan:
Telepono lamang - (800) 776-5746
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aming website:
https://www.disabilityrightsca.org/get-help
Mga Workshop na Pang-edukasyon
Ang lingguhang Alamin ang Iyong mga Karapatan na mga workshop tungkol sa pambuong-estadong proteksyon ng mga nangungupahan ay makukuha mula sa ACCE – ang Alliance for Californians for Community Empowerment tuwing Huwebes ng gabi sa 6:30 pm online.
Saan: online
Kailan: tuwing Huwebes sa 6:30 pm
Magparehistro online upang dumalo sa isang workshop
Mga Karagdagang Tagatulong sa Tenant
- Impormasyon tungkol sa pang-emerhensiyang tulong sa pagrenta:
- • Mga Gabay sa mga Proteksyon ng Tenant ng Legal Aid Society of San Diego
Tungkol sa Amin
Mula noong 2020, ang mga organisasyong pangkomunidad na naglilingkod sa tenant at mga partner na tagapagkaloob ng serbisyong pambatas ay nagtatrabahong magkakasama upang mabisang tumugon sa at pigilan ang maiiwasang mga pagpapaalis sa San Diego County. Sa pamamagitan ng edukasyon at pakikipag-ugnayan, tulong sa pagrenta at mga serbisyong pambatas, nadagdagan ang bilang ng mga nagawa naming panatilihing may tirahan sa mga nangungupahan sa San Diego.
Bakit kailangan ito?
Ang mga maiiwasang pagpapaalis ay nagpapahina sa mga pamilya, pumipinsala sa mga bata, nagpapatuloy ng sistemikong kawalan ng pagkakapantay-pantay at nagtataas ng mga panganib sa kalusugan. Ang pagpapaalis ay magastos at mahirap, para sa mga tenant at landlord, at isang masyadong mahinang paraan upang kumolekta ng utang ng tenant. Ang ibang malalaking lugar sa kalunsuran ay nagtatag ng mga interbensyon na nagbabawas ng mga maiiwasang pagpapaalis at pinipigilan ang mas maraming tao na mawalan ng tirahan. Kami ay nagtatrabahong magkakasama upang ipatupad ang mga subok na istratehiyang ito sa San Diego. Ang mga istratehiyang ito ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng tumpak na impormasyon ng tenant online at personal na Alamin ang Iyong mga Karapatan na mga workshop, sinuring impormasyong pambatas at ibang mga tagatulong sa komunidad tulad ng pagpopondo sa pang-emerhensiyang tulong sa pagrenta upang tulungan ang mga nangangupahan na nangangailangan ng tulong.