Patakaran ng Pagkapribado
Nakapangako ang Legal Aid Society of San Diego (LASSD) sa pagprotekta sa pagkapribado ng mga bisita sa aming website, pati na rin ang aming mga kliyente, kawani, boluntaryo, donor, at mga kasosyo. Ipinapaliwag ng patakaran ng pagkapribado na ito ang impormasyon na aming kinokolekta sa aming website (www.LASSD.org) at kung paano itong ginagamit at pinag-iingatan.
Maaari kaming humingi ng impormasyon o feedback mula sa iyo sa pamamagitan ng mga online na form, survey o iba pang pamamaraan upang magproseso ng donasyon, i-subcribe ka sa aming newsletter, bigyan ka ng impormasyon, o upang mas mabuting maunawaan ang iyong mga interes at pangangailangan. Ang anumang impormasyon na ibibigay mo sa amin ay ganap na boluntaryo at hindi maa-access sa ilang kuwalipikadong kawani. Gingamit namin ang pinakabagong teknolohiya na pang-encrypt ng datos ng SSL para masiguro na kapag nag-subscribe ka o mag-aambag sa LASSD, ligtas ang iyong impormasyon.
Hindi kami nagbabahagi o nagbebenta ng subscriber o impormasyon ng donor batay sa anumang kalagayan. Hindi kami magbabahagi o magsasapubliko ng anumang personal na impormasyon na tinipon sa aming webiste nang walang paunang pahintulot maliban kung ipipilit ng batas. Kung may mga katanungan ka tungkol sa patakaran ng pagkapribado na ito o gusto kaming itama o tanggalin ang iyong personal na datos, mangyaring kontakin kami.
Pagtatanggi
Nagbibigay ang LASSD ng ligal na tulong sa mga indibidwal na mababa ang kinikita na natutugunan ang pagkanararapat at mga alituntunin ng mga pagtanggap ng kaso. Hindi namin magagarantiya ang representasyon. Naglalaman ang website na ito ng mga materyales na para sa layunin ng pangkalahatang impormasyon lamang, hindi naghihirang ng ligal na payo, at hindi garantisado na makukumpleto o maa-up-to-date. Hindi ka dapat kumilos o tumugon sa anumang impormasyon mula dito (o anumang) website nang hindi natatamo ang payo ng isang abogado. Mahalagang desisyon ang pag-upa sa isang abogado na hindi dapat nakabatay lamang sa anumang isahang pinagkukunan ng impormasyon.
Ang pagtingin sa website na ito, o pakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng website na ito, ay hindi lumilikha ng ugnayang abogado-sa-kliyente sa pagitan mo at ng LASSD. Ang pagpapadala ng email sa isang abogadong binanggit sa site na ito ay hindi lumilikha ng ugnayang abogado-sa-kliyente sa pagitan mo at ng abogado. Maliban lang kung isa ka nang kliyente ng abogado, maaaring hindi maprotektahan ng email ang prebihlehiyo ng abogado-sa-kliyente. Gayunman, maliban lang kung naka-encrypt ito, maaaring maharang ang email ng tao bukod sa tatanggap.
Naglalaman ang website na ito ng mga link sa ibang website na naiiba ang patakaran ng pakapribado sa amin. Hindi responsable ang LASSD sa nilalaman o patakaran ng pagkapribado ng anumang naka-link na website. Bilang karagdagan, ang pagsasama ng anumang link ay hindi nangangahulugan ng o pagsasasanib sa organisasyon na iyon.